Monday, May 11, 2009

Hayden Kho, manyakis?

Sobra naman si Lolit Solis, tinawag niyang manyak si papa Hayden Kho...

Sa article ni Abu Tilamzik ngayong araw sa Abante-Tonite, sinabi raw ni Lolit Solis na manyakis at Dr. Manyak itong si Dr. Hayden Kho Jr. kaugnay ng lumabas na scandalous video ng doctor at ng sexy star na si Katrina Halili.


Continue Reading
...

At pinagbibintangan pa ni Lolit si Hayden na siyang nagpakalat ng naturang video.

Grabe naman....

Pero kung si Hayden ay manyakis, I think ayos lang. Mas okay nga eh hehhehe!

From Abante-Tonite:

NABUHAY na naman itong isyu nina Dr. Hayden Kho at Katrina Halili dahil kumakalat sa internet ang sensual dancing nila sa saliw ng awiting Careless Whisper.
Apektado na na naman si Katrina.

Hanggang kailan daw ba niya pagdurusahan ang pagkakamali niya?

“Inamin ko ang pagkakamali ko. Nagmahal lang ako sa maling lalaki. Bakit hanggang ngayon, pinagdudusahan ko pa ‘to?” pahayag ni Katrina.

Hindi na sumipot si Katrina sa SOP nu’ng Linggo dahil sobrang dinamdam daw ang pagkalat ng erotic video nila ni Dr. Hayden.

Si Manay Lolit Solis ang isa sa unang nag-react dito.

Naaawa na si Manay Lolit kay Katrina dahil ito ang sobrang apektado samantalang si Dr. Hayden ay mukhang fully-recovered na.

Ang latest nga, nagkabalikan na sina Hayden at Dra. Vicki Belo.

Ang isa pang narinig ko, ipagpatayo pa raw ni Dra. Belo si Hayden ng sariling clinic.

Tili ni Manay Lolit Solis, “Kung may anak akong dalaga, papayagan ko bang magpatingin sa kanya (Dr. Hayden)? Di ba, parang manyakis?”

Ayon sa mga nasagap namin, isa lamang ito sa mga video na nakita ni Dra. Belo sa laptop ni Dr. Hayden at baka meron pa raw na lalabas.

Ang duda ni Manay Lolit, isa rin si Dr. Hayden sa may pakanang nagkakalat nito.
Mahilig daw si Hayden na ipakita sa mga kaibigan ang ginagawa niya sa mga babaeng nakaula­yaw niya.

“Hindi ko alam kung anong klaseng perversion iyun, pero di ba, parang Dr. Manyak siya?” tili uli ni Manay Lolit.

Dating alaga ni Manay Lolit si Dr. Hayden pero siya ngayon ang unang bumabatikos sa mga ginagawa ng celebrity doctor.

Dapat na matigil na raw at matuto na si Dr. Hayden sa mga pinaggagawa niya.
Sa darating na Sabado sa Startalk ay magbibigay ng reaksyon at pahayag si Katrina tungkol dito.


0 comments:

Blog Widget by LinkWithin