Wednesday, February 20, 2008

From Abante-Tonite, February 21, 2008

Tinuhog ni Paolo Paraiso ang magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes sa indie movie na Ate. May maiinit na love scenes siya kina Ara at Cristine.

“Oo nga, ‘no? Fantasy ng bawat lalaki ‘yon, di ba? Magkapatid! Buti, sa pelikula ko lang ginawa, hindi sa totoong buhay! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Paolo nang matsika namin siya sa victory party ng My Best Friend’s Girlfriend.

“Ang haba ng hair ko, di ba? Ilang lalaki ba ang makakapagsabi na naka-love scene nila pareho sina Ara at Cristine?

“Pero trabaho lang po ‘yung ginawa ko. Lonely nga ako nu’ng Valentine’s, eh! Lahat ng niyaya ko, walang sumama sa akin. Sa totoong buhay, wala akong kuwenta! Naiiyak na nga ako, eh! Ha! Ha! Ha!”

Saksi kami sa dateless V-day na ‘yon ni Paolo dahil after naming manood ng sexy fashion show ni Katrina Halili ay nakasama namin siya sa Barrakz nu’ng Pebrero 14, na ang ‘date’ niya ay ang bespren niyang si Marco Alcaraz.

Kuwento pa ni Paolo, tatlo ang love scenes nila ni Ara sa Ate dahil mag-asawa ang role nila. Nagkaroon din siya ng affair sa younger sister nito na si Cristine at mas marami ang love scenes nila.

“Lima yata ‘yung sa amin ni Cristine. ‘Yung una, first time naming mag-make love, eh forbidden, kaya intense at grabe ‘yon! Meron ding fantasy ang setting, so all out ‘yon, di ba?”

Brief lang daw ang suot niya sa lampungan scenes nila ni Cristine at konti lang din ang takip ng dalaga. Sexy and very suggestive daw ang shots ni Direk Lore Reyes, pero walang nakitang private parts nila.

***

Aminado si Paolo na may ‘naramdaman’ siya habang nakapatong sa kanya si Cristine.

“Siyempre, hindi maiiwasan dahil hot si Cristine, di ba? Niloloko nga ako ng mga crew sa set, eh! Pagkatapos ng eksena, siyempre, I made sure na pag-cut ni direk, cut na talaga. Gusto kong maging gentleman, ayokong sabihin ni Cristine na ina­abuso ko siya.

“Pero ‘pag sinabihan ako ng, ‘Paolo, next scene na, bihis na!’ Hindi ako makatayo kaagad! Kasi siyempre, may physical contact! Kahit anong isip ko na, ‘Balewala ‘to!’ Ginagawa pa rin namin ‘yung kiss, di ba?

“So, lalaki lang po ako! Ha! Ha! Ha! That doesn’t make me naman a lesser actor, di ba?” natatawang sey niya.

Paano ‘pag ganu’n na nag-iinit siya at nate-turn on sa kaeksena niya, anong ginagawa niya?

“I think of other thoughts! Ha! Ha! Ha! As much as possible, sinu­subukan kong huwag sanang maapektuhan. Sinusubukan kong hindi isipin ‘yung kiss.

“Pero hindi pwede, ginagawa mo ‘yung eksena, dapat nandu’n ka talaga all the way. So si­yempre, magrereak ‘yung katawan mo. After nu’ng take, ‘yung pawis ko, ang lamig!” bulalas niya pa.

Isang beses lang daw nangyari ‘yon na ‘tinablan’ siya sa eksena dahil nahiya rin siya kay Cristine kung madalas siyang ‘maaapektuhan’ sa love scenes nila.
“Baka maligawan ko bigla si Cristine! Ha! Ha! Ha!” natatawang hirit ni Paolo.

Dati raw ay nagkakasama na sila sa mga show ni Cristine pero hindi sila nakakapag-usap kaya hindi niya ito gaanong kilala. Ngayong nagkasama sila sa pelikula ay bumilib daw si Paolo sa nakababatang kapatid ni Ara.

“Na-impress ako kay Cristine nang makasama ko siya sa movie. Nawindang talaga ako! Kasi dati, may pagka-judgmental ako sa kay Cristine, eh! Dahil sa mga isyu sa kanya noon na playgirl daw siya, flirt at walang pakialam, basta gagawin lang ‘yung gusto niya.

“Nu’ng makilala ko siya, maling-mali pala ako. Nalaman ko na res­ponsible pala siya, mabait at parang masarap siyang i-love! Ha! Ha! Ha!” da­yalog ni Paolo.

***

Hindi sila nagkasama nang matagal sa shooting kaya hanggang ngayon ay curious pa rin siya kay Cristine.

Hindi kagaya kay Katrina Halili na mahabang oras niyang nakakasama sa taping ng Marimar kaya parang nawala na ang crush niya rito.

“Pero natural lang na bilang lalake, naa-attract ako kay Katrina. Sino bang lalake ang hindi magnanasa sa kanya? Kaya lang, barkada lang talaga kami.
“Si Kat na rin ang nagsasabi na tropa kami, di ba? Kasi ako, ‘pag madalas kong nakakasama, nagiging friend na lang ang tingin ko, eh!

“At saka mas swak kami na magkaibigan. Mas okey si Kat na friend kesa girlfriend. Kaya kung may pagnanasa man ako sa kanya, konti na lang! Ha! Ha! Ha!” tawa pa ni Paolo Paraiso.

0 comments:

Blog Widget by LinkWithin