Friday, January 4, 2008

Find love in 'Selda'

Watch out for a sexier Sid Lucero and Ara Mina plus Emilio Garcia in the indie film 'Selda' set to be shown at IndieSine this February, 2008.



Read the rest of this entry.



Synopsis:

Set in two contrasting environments that underline the same premise of imprisonment, Selda tells the story of Rommel, a young man who accidentally kills a boy, resulting in his incarceration. Inside the jail, he befriends another inmate, Esteban, who becomes his rock and protector. Seven years later, Rommel is living in the province as a farmer together with Sita, his wife. Esteban tracks down Rommel in hopes of renewing a brewing love affair. Rommel and Sita welcome Esteban into their lives until their intimacy crosses borderlines and results in the undeniable scourge of self-discovery.

Selda is a return to classicist forms and delivers a stylish, deliberately-paced treatise on love. At moments strange, Selda is a sublime and disquieting portrait of a young man whose search for happiness, innocence and true love is laden with guilt and doubt.


Here's a detailed description of the scenes in Selda by Allan Diones of Abante-Tonite.

Ang Selda ay kuwento ng dalawang lalakeng bilanggo (Sid Lucero at Emilio Garcia) na nagkalapit ang mga loob at nagkaroon ng hindi pang­karaniwang relasyon habang nasa piitan.

Nang kapwa na sila makalaya ay nagkita silang muli at ipinagpa­tuloy ang kanilang kakaibang pagkakaibigan.

Matino ang unang bahagi ng pelikula na ipinakita ang miserable at halos hindi makataong kondisyon ng mga nasa loob ng kulungan.

May weirdong provincial jail warden (Michael de Mesa), may ‘ma­yor’ na naghahari-harian at mahilig mangursunada ng bagong salta (Alan Paule), may mabait na inmate pero may maitim na lihim (Soliman Cruz), at sari-sari pang karakter.

Ipinakita rin dito ang nagaganap na ‘panggagahasa’ ng mga bilanggong hayok sa sex ng mga kapwa nila lalakeng preso. Maaaring kababuyan ang dating nito sa iba, pero ayon sa isang nakakulong, “Ang kababuyan sa ‘yo, masarap sa iba!”

Meron din daw mga bilanggong ayaw nang lumabas at mas gusto pang manatili sa loob ng kulungan.

May eksenang pinu­wersa ni Alan Paule at ng kanyang mga tauhan si Sid Lucero. Pinapili niya ito kung tsu-a o kant-t, at ang ending ay halinhinan nilang ipinasok ang mga ari nila sa bibig nito habang nakaluhod ito at may nakasalpak na kahoy sa gilid ng bunganga nito para bumuka.

“Walang personalan, tikiman lang,” ang katwiran ni Alan sa ginawa nilang panghahalay kay Sid.

Kaswal pero pasok na pasok din ‘yung linya ni Alan na, “Haayy, pag-ibig nga naman!” nu’ng minsang hindi pumayag si Emilio na ‘ipahiram’ sa kanya ang kaselda nitong si Sid.
***
May mainit na dyugdyugan si Sid at ang gumaganap na nobya niya (at kapagkuwan ay naging misis) na si Ara Mina kung saan nagpasilip ng pwet si Sid at naghubad din si Ara.

Ang lakas ng appeal ni Sid at parang ang seksi-seksi ng dating niya. Bukod sa mahusay siyang umarte ay ang ganda ng mukha niya na punumpuno ng karakter.
Pero hindi ‘yung love scene nila ni Ara ang ina­abangan namin sa pelikula kundi ang gay sex scene nina Sid at Emilio dahil ang tunay na tema ng Selda ay ‘homosexual love.’

Pitong taon matapos lumaya ang karakter nina Sid at Emilio ay nagtagpo silang muli at nanumbalik ang kanilang kakaibang damdamin para sa isa’t isa.

Very Brokeback Mountain na ang mga moment nila sa bukid, pero ni hindi pinakitang nagtalik sila o anuman, kaya hindi justified ‘yung pagkakaroon ng sexual dilemma ng pamil­yadong karakter ni Sid at ‘yung pagwawala ng misis niyang si Ara dahil alam daw nitong bakla si Emilio at may nangyayari sa dalawa.

Napakaimportante nu’ng eksenang ‘yon, na hinahanap namin hanggang sa matapos ang movie, pero hindi namin ‘yon nakita.

‘Yun pala ay kinatay ito ng MTRCB dahil na-‘X’ daw ito nu’ng unan­g review at nang alisin ang man-to-man love scene na ‘yon ay ginawa na itong R-18.

Hindi namin maunawaan kung bakit pu­mayag ang mga direktor at prodyuser nitong tanggalin ang napakakrusyal na eksenang ‘yon.

Para ano pang maipapanood mo ang ‘sani­tized’ version nito kung nag-suffer ang pelikula at tila nawalan ng saysay dahil sa pinutol na eksena?

Bago nagsimula ang preview ay nagkukuwento pa si Sid kung gaano kagrabe ang love scene nila ni Emilio na inabot daw nang tatlong oras.

Nasayang ang effort nilang ‘yon dahil nakatay ang pinaghirapan nila.

Magaling gumamit ng kamera ang mga direktor ng Selda at naroon pa rin ang kanilang artistic touches sa kabuuan ng pelikula, pero hindi namin kinaya ang bandang dulo nito na ginawang pagkahaba-haba ng madramang eksena na para bang ayaw nang tapusin ang pelikula.

Nu’ng umpisa ay maganda pa ang daloy at rhythm ng pelikula, pero habang tumatagal ay nagiging dragging ito at mabubugnot ka na sa mga babad na eksenang hindi dapat habaan at pwedeng putulin.

Kung ano ‘yung da­pat bawasan at ik­sian ay ‘yun ang pinakahabaan, at ‘yung hindi dapat na naputol ay ‘yun ang nakatay na lang at sukat, kaya talagang nakapanghihinayang.


Watch trailer...

0 comments:

Blog Widget by LinkWithin